Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 paslit tinamaan ng kidlat

0 80

TODAS ang isang batang babae habang malubhang nasugatan ang nakababata niyang kapatid matapos tamaan ng kidlat habang naliligo sa ulan sa San Carlos City, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ang namatay na si Joanna Domantay, 12, ng Barangay Kubol, ng nasabing siyudad. Ang nakababata naman niyang kapatid ay tinamaan ng kidlat sa binti na nagpapagaling ngayon sa ospital.

Ayon sa report ng San Carlos City Police Station (SCCPS), sa testimonya ng tiyahin ng mga biktima na si Teresita Domantay, naliligo ang mga bata nang biglang kumulog nang malakas.

SM food to go Banner Ad

“Pagka ano ng kapatid niya sabi namin sa kaniya bakit ka naliligo sa ulan. ‘Yon po humihingi na po ng tulong yung kapatid niya gumugulong po sa kamanggahan. ‘Tiya tulong si ate natamaan ng kidlat,” paluhang sinabi ni Teresita.

Agad isinugod sa ospital ang magkapatid pero dead on arrival na si Joanna.

Sinabi ng pulisya na makikita na unang tumama ang kidlat sa puno na malapit sa kinaroroonan ng mga biktima at nahagip ang mga ito. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.