Abante Tonite Interactive

2 patay, 6 tulak huli sa lady cop ng Bulacan

By
9

Hindi pa din matukoy ang pagkakakilanlan sa da­lawang drug pusher na napatay makaraang maki­pagpalitan ng putok sa Meycauayan City Police na pinangunahan ng isang lady cop habang anim na iba pa ang nadakip sa buy-bust operation sa Barangay Perez, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa.

Ayon kay P/Supt. Lailene Amparo, Officer-In-Charge (OIC) ng Meycauayan City PNP, nakilala ang dalawang napatay na tulak sa alias ‘Tuklaw’ at alias ‘Nine’, kapwa nagtamo ng tama ng bala sa kanang bahagi ng katawan at dibdib na nakumpiskahan ng dalawang kalibre 38 rebolber, mga bala, sampung pakete ng shabu, isang pakete ng marijuana, marked money at mga drug paraphernalias.

Nakorner din ang anim pang suspek na sina Jay-Ar Atingan, 22 at kapatid nitong si John Carlo, 19; Elly Llacer, 41, Jesus Castaneda, 33, Mary Jane Dupalco, 29 at Christian George Genetia, 27, sa operasyon ng pulisya bandang alas-dos ng madaling-araw.