Abante Tonite Interactive

2 patay kay Ineng sa Ilocos Norte

230

Dalawa katao ang iniulat na namatay sa paghagupit­ ng bagyong Ineng sa Ilocos Norte, nitong Sabado.

Batay sa inisyal na report mula sa mga lokal na opisyal, dalawang babae na nasa edad 17 at 39 ang kumpirmadong nasawi.

Ang 17-anyos na babae ay namatay nang tamaan ng landslide ang kanilang tahanan sa bayan ng ­Pasuquin, habang tinangay naman ng bagyo ang 39-anyos na ginang sa Laoag City.

Hanggang sa isinusulat ito ay inaalam pa ang pangalan­ ng mga nasawi.
Samantala, nagdeklara na ng state of calamity ang Laoag City dahil sa nararanasang pagbaha sa lungsod.

Patuloy pa rin ang isinasagawang rescue ­operation sa ilang binahang barangay, kabilang ang Barangay­ 7B sa Laoag City at nasagip ang isang babae at ­kanyang bagong silang na sanggol na isinakay sa isang makeshift­ boat na gawa sa sirang refrigerator.(Dolly ­Cabreza)