Abante Tonite Interactive

2 patay sa engkwentro

101

Dalawa armadong kalalakihan ang nasawi matapos na mapaeng­kwentro sa mga alagad ng batas na nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ sa Lungsod ng Quezon kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) partikular na ni PS/Supt. Crisaldo Nieves, ganap na alas-11:00 nang gabi habang nagsasagawa ng operasyon ang mga tauhan ng nasabing himpilan nang sitahin ng mga ito ang dalawang kahina-hinalang kalalakihang naglalakad sa lugar.

Ngunit sa halip na makipagkoordinasyon ay walang anu-ano umanong nagsibunot ng baril ang mga hindi pa nakikilalang kalalakihan at pinaputukan ang mga pulis habang nagsitakbo palayo sa lugar.

Agad na hinabol ng mga pulis ang dalawa na nagsiliko sa eskinita ngunit doon ay sinalubong na sila ng iba pang alagad ng batas na nakaantabay na sa lahat ng lugar na maaaring takbuhan.

Nagkapalitan ng putok ang dalawang kampo dahilan upang matamaan ang mga suspek.

Wala namang naiulat na su­gatan sa hanay ng pulisya.

Mabilis namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang kalalakihang suspek ngunit nasawi rin habang nasa biyahe.