Abante Tonite Interactive

2 patay sa nag-overtake na bus

275

By Allan Bergonia/Vick Aquino

Dead on-the-spot ang dalawa katao matapos salpukin ng pampasaherong bus ang isang tricycle sa national highway sa bayan ng Gamu, Isabela kahapon.

Ayon kay Isabela Police Provincial Office information officer P/Capt. Frances Littaua, kasalukuyan pang inaalam ang pagkakilanlan ng namatay na tricycle driver at ng pasahero nito.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, sinabi ni Littaua­ na nangyari ang insidente sa kahabaan ng Brgy. Guibang.

Papasok na sana sa junction ang tricycle nang suwagin ng Florida GV bus na nag-overtake umano sa sinusundang sasakyan.

Dinala sa Gamu Police Station ang driver ng bus na nahaharap ngayon sa reklamong reckless imprudence resulting to double homicide, physical injury and damage to property.