Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 ‘PDEA agent’ todas sa anti-kidnap operation

0 92

Nasawi ang isa sa most wanted kidnapper at isa pang kasamahan nito matapos ang naganap na engkwentro sa pulisya sa Botolan, Zambales.

Ayon sa Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG), napatay si Michael Corpuz, miyembro ng notoryus na Mokong Kidnap for Ransom Group, at hindi pa kilalang kasamahan sa Sitio Alao, Brgy. San Juan, alas-11:20 Miyerkoles ng umaga.

Isisilbi sana sa kanya ang arrest warrant subalit hindi pa umano nakakalapit ang awtoridad sa bahay ng target ay pinaulanan na sila ng mga suspek.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gumanti naman ng putok ang awtoridad dahilan ng pagkakapatay sa mga suspek. Narekober sa mga ito ang iba’t ibang kalibre ng baril at pinaniniwalaang shabu.

Si Corpuz ay mayroong anim na warrant of arrest kabilang ang mga kasong kidnapping, child abuse at carnapping.

Ang Mokong KFR Group na pinamumunuan ni Ryan Bon Dela Cruz, ay nasa likod umano ng viral video post kung saan nagpanggap na PDEA agent ang mga miyembro nito at dinukot ang tatlong katao kabilang ang dalawang menor de edad noong Pebrero 2018 sa Taguig City.

Nitong Oktubre 2020, dalawang miyembro ng grupo ang napatay ng pulisya sa Pililia, Rizal. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.