Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 personalidad singkapal ng repolyo ang pagmumukha

0 253

May mga personalidad na may matinding pagpapahalaga sa kanilang personal na buhay. Importante sa kanila ang kapribaduhan.

Nagpapa-house tour sila pero hindi pinakukunan ang kanilang kuwarto. Katwiran nila ay ‘yon na lang ang natitira sa kanila na hindi napapasok ng publiko.

Maraming artistang ganu’n kung pag-ingatan ang kanilang personal na buhay. Pero meron din namang mga personalidad na parang hindi mapakali kapag hindi nalalaman ang taumbayan ang mga nagaganap sa kanilang mundo.

Kailangang maipakita nila ‘yon, detalyado pa nga, wala na halos silang itinitira sa kanilang mga sarili. Sakit na nila ‘yon.

Kuwento ng aming impormante, “Maraming mga artistang ganu’n. Para bang anumang gawin nila, e, dapat lang malaman ng publiko. Pero may dalawang personalidad na pinakamatindi!

“Sila ‘yong ibinubuyangyang na talaga ang personal nilang buhay sa publiko. Para silang mga pusang hindi maihi hanggang hindi nila naipo-post ang gusto nila!” unang sultada ng aming source.

Isang kilalang female personality ang tinutukoy ng aming source, ang isa naman ay pamosong becki, pareho silang walang iniiwanang kahit konti lang para sa kanilang sarili.

Patuloy ng aming source, “Parang isang sinapupunan lang ang pinanggalingan nila. Wala silang pagkakaiba. ‘Yong female personality, lahat na lang ng mga nangyayari sa buhay niya, itinitinda niya sa buong mundo!

“Parehong-pareho sila ng becki personality, walang space sa buhay niya ang privacy, ipinaaalam niya ang lahat, nang-iinggit pa nga siya dahil super-happy raw siya sa piling ng lalaking mahal niya!

“’Yong female personality, walang kahit sinong pinakikinggan. Kung ano ang gusto niya, e, gagawin niya, siya lang ang nag-iisang reyna ng sarili niya!

“Ganu’n din ang becking personalidad, wala siyang itinatago, lahat-lahat, ibinubulatlat niya sa publiko! At sa ugali nilang ‘yon, e, nagpapakabalat-sibuyas pa sila, ha?

SM food to go Banner Ad

“Nagagalit sila kapag pinagpipistahan ng mga Marites ang personal nilang buhay! Bakit daw sila pinakikialaman? Ang dapat sa becking ito at sa female personality, e, pagbuhulin!

“Para sila mismo ang makaisip na sila ang nagbebenta ng buhay nila in public! Wala silang pagpapahalaga sa personal nilang buhay, sila ang nagbubukas ng pintuan para pasukin ang mundo nila, hindi ba naman?

“’Yon mismo ang kaligayahan nila! ‘Yon ang nagpapaikot sa mundo nila! ‘Yon ang source of happiness nila! Tantanan na nila ang pagiging balat-sibuyas, kasingkapal na ng repolyo ang face nila!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

Sharon lumaban sa bundat-lechon de ketse

Nakatalikod si Sharon Cuneta sa isang larawang ipinost niya. Napakanipis na ng kanyang katawan. Tinrabaho ng Megastar ang kanyang kasalukuyang timbang. Mahabang panahong sakripisyo ang ipinuhunan niya du’n.

Nagtanim siya, inalagaang mabuti ang kanyang katawan, kaya naman may inaani siya ngayon. Maganda ang disiplina ni Sharon, kailangang kumuha ng seminar sa kanya ang mga personalidad na panay-panay ang pangakong magda-diet na, pero hindi lang kain ang kanilang ginagawa kundi lamon pa nga.

Pagkasasarap ng mga pagkaing nakaharap kay Sharon, pero parang tinitkman lang niya, kain-ibon lang ang ginagawa niya. Pero meron din siyang inilalaang pagkakataon kung kailan siya kakain nang hanggang sa dumidighay na siya.

May cheat day rin ang Megastar, kinakain niya ang mga paborito niyang pagkain, hindi siya nagpipigil dahil kailangan din niyang balansehin ang mga kinakain niya, kung kumpleto sa mga kailangan ng katawan niya.

Paborito ni Sharon ang lechon. Wala siyang pakialam nu’n kung maubos man niya ang isang lechon de leche, magpapakabusog siya na parang wala nang bukas, pero napaglabanan niya ‘yon.

Ang disiplinang ipinakikita ni Sharon sa kanyang pagda-diet ay parang ang disiplina rin ipinakikita niya sa trabaho. Professional siya.

Mahal ni Sharon Cuneta ang kanyang propesyon, hindi siya nagiging dahilan ng kahit anong delay sa shooting o taping, napakaganda ng kanyang disiplina.

Leave A Reply

Your email address will not be published.