Abante Tonite Interactive

2 pinatay sa Batangas

By
15

Dalawa ang patay sa magkahiwalay na kaso ng pamamaril sa Padre Garcia at Tanauan sa Batangas kamakalawa.

Bumibili lang umano sa tindahan ang biktimang si Ricky Kalaw y Dalisay, 47, welder, nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa National highway, Brgy. San Felipe, Padre Garcia, Batangas dakong alas-singko ng hapon na namatay noon din.

Habang dinadala naman sa ospital sa Tanauan City ay nasabi pa sa kanyang misis ng biktimang si Serafin Gallivo Jr. y De Sagun, 29, ang bumaril sa kanya na sina Vener Tuico at Joven Pesigan, kapwa residente ng Barangay Ambulong, Tanauan­ City, Batangas habang siya ay nagmamaneho ng kanyang tricycle­ dakong alas-dos kahapon ng madaling­-araw.

Abante Hiring – IT dep