Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 Pinay model milyon ang raket sa webcam

0 1,581

Namamayagpag ang Pinay model na si Mimai Ong sa IsMyGirl, isang adult webcam at livestreaming site.

Na-shock siya nang subukan niyang mag-post ng mga mapangahas na seksing larawan at video sa naturang site. Marami kasi ang nag-follow sa kanyang page . Ito ang kuwento niya sa Esquire.

Never naman daw ginawa ni Ong na mag-masturbate sa video o sumubo ng mga sex toys.

Inamin niya na gumagawa siya ng mga teasing video na ipinapasilip umano ang parte ng kanyang katawan sa itaas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Umaabot umano ng tatlong milyong piso ang kinikita niya sa isang taon sa nasabing site.

Mas palaban si Ong kumpara sa isa pang Pinay model, chef at blogger na si Irish Tan. Mula nang lockdown ay nag-post siya sa IsMyGirl at nagi-enjoy na raw siya ngayon sa kinikita niya. Ni-reveal ni Tan na kumikita siya ng $10,000 to $30,000 a month.

Ang ginagawa umano sa IsMyGirl ay magpa-sexy, mag-strip o sumayaw ang modelo sa mga audience na binubuo ng mga subscriber. Binibigyan din sila ng tips na pinaghahatian umano ng model at ng site.

Ayon sa IsMyGirl, 50% umano ng mga modelo nila ay mga Pinay at malaki ang kinikita. Ang mabentang modelo ay nakakaraket ng mahigit dalawang milyong piso sa isang buwan.

Ang mga mapang-akit na video ng modelo ay maari rin nilang ibenta. Depende rin kung gusto nila ng private video call.

Leave A Reply

Your email address will not be published.