2 Pinoy marino, 32 pa ni-rescue

Sinagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 34 na marino, kabilang ang dalawang Pinoy mula sa nasusunog na Korean fishing vessel.
Ayon sa PCG, 22 Indonesian, 10 Korean at 2 Pinoy ang mga kabilang sa sakay ng barkong pangisda. Papunta umano ito sa Uruguay mula sa Busan, South Korea nang masunog ang makina nito Martes ng madaling-araw.
“When the captain declared ‘abandon ship’ at around 03:00 a.m., transiting vessel, MV Golden Aspirant immediately conducted rescue operations and maintained active coordination with the PCG for further assistance,” ayon sa PCG.
Nangyari ang insidente sa karagatang sako[ ng Panganiban, Catanduanes.
Nasa quarantine facility na umano ang mga ito habang hinihintay ang kanilang swab test result. Nakikipagtulungan naman umano ang shipping company at South Korea Consulate para sa mga marino.