Abante Tonite Interactive

2 Pinoy pilgrim patay sa Saudi Arabia

443

Umabot na sa dalawang Pilipino pilgrim ang nasawi sa loob ng Masjidil Haraam sa Mecca, Saudi Arabia.

Ayon kay Dr. Dimapuno Alonto Datu-Ramos Jr., public relations and information head ng N­ational Commission on Muslim Filipinos (NCMF), ang nasawi ay na-kilalang si Enting Tungao Kamensa, 66-anyos, mula sa Datu Piang, Maguindanao at isang 57-anyos na babae mula sa Lumbayanague, Lanao del Sur.

Sa ulat ni Dr. Abdulnasser Masorong, head ng NCMF Medical Team, Kamensa bigla umanong nawalan ng malay si Kamensa habang nasa loob ng Masjidil Haraam.

“The suspected cause of death is myocardial infarction or heart attack. The remains are still in King Faisal Hospital awaiting the processing of the documents,”ayon kay Datu-Ramos.

Nalaman na maraming Filipino ang gustong mamatay kapag pana-hon ng Hajj sa Saudi sa paniniwalang mapupunta sila sa langit kapag sila ay namatay sa lugar.

Nalaman na halos 90% ng pilgrims na pumupunta sa naturang lugar ay pawang mga first timer at ito ay itinuturing na once-in-a-lifetime experience ng karamihan.(Juliet de Loza-Cudia)