Abante Tonite Interactive

2 pirata sa Davao arestado

By
6

Arestado ng mga operatiba ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawa sa 20 armadong kalalakihan na hinihinalang mga pirata na puwersahang pumasok at nanloob sa Motor Tug at SSL Barge 08 sa bisinidad ng karagatan ng West Hapitan Point, Davao Occidental.

Ayon sa skipper ng M/Tug 308, Captain Ricardo Padernal, 20 armadong kalalakihang sakay ng limang motorbancas ang puwersahang sumakay sa kanila bago pa naaresto ang dalawang suspek na sina Cadir Bansalao Ginawan, 29; at Ronal­d La­rumbe Salutan, 29, noong Hunyo 5 habang binabaybay ang Maybio Pt., Davao Occidental Area papunta sa Maasim, Sarangani.

Nabatid na kinuha ng mga suspek ang 15 gallon ng pintura, 30 litro ng diesel at kalahating kaban ng bigas.

Hindi na nakapalag ang dalawang suspek matapos abutan ng mga tauhan ng PCG at naaktuhan sa ginagawang panloloob.