Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 politiko sa Samar tinambangan, 1 patay

0 113

Patay ang isang municipal councilor habang nakaligtas ang isa pa matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga armadong suspek na sakay ng isang kotse ang sinasakyang motorsiklo ng dalawang konsehal Lunes ng umaga sa Pinabacdao, Samar.

Dead on the spot si Hon. Samuel Lagario, 50, habang suwerteng nakaligtas naman si Hon. Robert Bulando, kapwa Pinabacdao, Samar Municipal Councilor.

Ayon kay Police Lt. Col Ma. Bella Rentuaya, tagapagsalita ng Police Regional Office 8 (Western Visayas), naganap ang pananambang alas-9:25 ng umaga sa Barangay Laygayon ng nabatid na bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, minamaneho ni Councilor Lagario ang kanyang motorsiklo angkas si Councilor Balundo patungo sana sa Barangay Poblacion 1 upang dumalo ng 4th session ng Sangguniang Bayan nang bigla na lang umanong dikitan ng isang kotse lulan ang mga armadong suspek at pinagbabaril ang mga konsehal bago mabilis na tumakas.

Nagtamo ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Lagario na agad nitong ikinamatay habang suwerteng nakaligtas si Balundo.

Patuloy ngayon ang hot pursuit operation ng pulisya habang masusing iniimbestigasyon ang kaso. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.