Abante Tonite Interactive

2 preso na napalaya sa GCTA sumuko

0 156

Sumuko ang dalawang persons deprived of liberty (PDL) na pansamantalang nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa Malabon City, kamakalawa.

Ayon kay Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao, sumuko sina Enrique Constantino, 60-anyos, ng Brgy. Tugatog at Gerardo Javier, 57, tricycle driver, ng Brgy. Dampalit, Malabon.

Si Constantino ay sumuko alas-tres ng Lunes nang hapon na nakulong sa kasong Robbery with Homicide sa Sablayan Prison at Penal Farm, Occidental Mindoro. Nakalaya ito noong Abril 1, 2019 sa ilalim ng GCTA Law habang si Javier naman ay sumuko bandang ala-una nang hapon sa Malabon PNP na nahaharap sa kasong Robbery with Homicide sa Ihawig Prison and Penal Farm, Puerto Princesa City, Palawan, at nakalaya noong Disyembre 21, 2019 sa ilalim din ng GCTA Law.

Dinala ng mga tauhan ng Malabon Police sina Constantino at Javier sa Bureau of Corrections (BuCor) sa Muntinlupa City para sa tamang disposisyon. (Vick Aquino)