Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 preso nahirapan huminga, dedo

0 114

Kapwa nasawi ang dalawang person deprived of liberty (PDL) matapos mahirapang huminga habang ang isa naman ay hindi na nagising sa pagtulog habang nakapiit sa detention facility ng Manila Police District-Station 5 at MPD headquarter custodial facility kahapon ng umaga sa Maynila.

Ayon kay P/Cpl. Leodinel Briones, ng MPD-homicide section, unang idineklarang patay si Marvin Dela Cruz y Cagata, 43, detainee ng Pedro Gil jail facility at taga-Interior 14 Barrio Banana, Pandacan, Maynila.

Alas-9:54 ng umaga nang ideklarang patay sa Ospital ng Maynila si Dela Cruz matapos ireklamo sa jailer na si PCpl Alvin Vinoya na hindi ito makahinga.

Nakulong si Dela Cruz sa paglabag lamang sa City ordinance 5555 o pag-inom ng alak sa pampublikong lugar.

Alas-10:52 ng umaga nang ideklara namang dead on arrival din sa Ospital ng Maynila ang PDL na si Alejandro Cernales y Yabut, 38, no. 800 Osmena Highway, Malate.

Sinabi ni P/Staff Sgt. Mark Daniel De Guzman, ng MPD-HS, alas-8:30 ng umaga matapos ang daily routine na paglilinis ng selda ng mga detainee ay natulog sila hanggang sa mapansin ng katabi na si June De Castro 50, dakong alas-10:15 na nagkukulay blue na ito at wala nang buhay. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.