Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 Pulis, 3 `BATA’ ni Mayor nirapido

0 61

PINAULANAN ng bala ng baril ang dalawang pulis na nagbabantay sa election paraphernalia sa Barangay Lattut, Rizal, Cagayan habang todas din ang tatlong miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) na pawang tauhan ng isang mayor matapos silang rapiduhin ng hindi pa nakikilalang mga suspek na lulan ng dalawang Sports Utility Vehicle (SUV) sa harap ng isang eskuwelahan saBuluan, Maguindanao kahapon ng umaga.

Base sa report ng Rizal Police Station (RPS), habang binabantayan nina P/Special Master Sgt. Michael Tayad at Pat. Silvestre Ruiz ang mga election paraphernalia sa Cagayan, bigla silang pinaputukan ng apat na katao na sakay sa dalawang motorsiklo.

Ayon sa kanila, napansin umano ang dalawang motorsiklo na may mga back ride na biglang huminto sa kahabaan ng national highway ng nasabing lugar halos 100 metro ang layo mula sa Lattut Elementary School at walang sabi sabing nagpakawala ng mga putok sa direksyon ng dalawang pulis na tumagal ng humigit-kumulang ng 20-minuto.

Ang hindi pa nakikilalang mga suspek ay nagpaputok gamit ang mahigit 40 bala hinihinalang M16 armalite rifle.

Sinabi ng RPS, masuwerteng nakailag sina Tayad at Ruiz at nakapagkubli kung saan ay hindi sila tinamaan ng bala.

Ipinag-utos ni Cagayan Provincial Police Office director P/Col. Renell Sabaldica, ang masusing imbestigasyon sa posibleng pagkakakilanlan at pagdakip sa apat na salarin.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, patay ang tatlong miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) habang sugatan ang isa matapos silang rapiduhin ng hindi pa nakikilalang mga suspek na lulan ng dalawang Sports Utility Vehicle (SUV) sa harap ng isang eskuwelahan sa Buluan, Maguindanao kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Musuary Dimapalao, Sajid Kamama at Tata Bulilo habang ginagamot sa ospital ang sugatan nilang kasamahan na si Jadid Ulangkaya. Nakadestino silang magbantay sa Pilot Ele­mentary School sa Brgy. Poblacion ng nasabing bayan para sa pagdaraos ng eleksiyon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nakaparada ang sinasak­yang barangay patrol car ng mga biktima sa harap ng paaralan nang dumaan ang dalawang kulay pu­ting SUV ganap na alas-8:40 ng umaga.

Bumalik ang mga sasakyan na lulan ng mga suspek na pawang armado ng 5.56 rifle at niratrat ang mga biktima sa loob ng sasakyan.

Ang mga nasawi ay supporter umano ni Buluan mayoralty candidate Babydats Mangudadatu

Kabilang ang bayan ng Buluan sa mga lugar na isinailalim sa Comelec control dahil sa mga ulat ng karahasan. (Allan Bergonia/Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.