Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 pulis binoga sa tapat ng presinto

0 73

Patay ang isang pulis habang sugatan ang isa matapos barilin ng sinita nilang drug suspect kung saan todas din ang namaril sa harap ng police station sa Caloocan City, Martes ng hapon.

Dead on arrival sa Novaliches General Hospital si Pcpl. Dexter Teves, naka-assign sa Sub-Station 7 (SS7) ng Caloocan Police Station, matapos magtamo ng bala sa dibdib.

Dedbol din sa mga kasamahan ni PCpl. Teves na sina Pssg. Christopher Anos at Pcpl. Rex Graham Abigan, ang suspek na si Makoy Toreda, habang nadakip ang kasamahan niyang si Clark Castillo, 20, taga-Bagong Silang, Caloocan.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat, alas 2:30 ng hapon, nagsasagawa ng Oplan Sita sina Pcpl. Teves at Pcpl. Anos sa harap ng SS7 nang mapansin ng biktima na may hawak na droga si Toreda.

Palapit pa lang si PCpl. Teves ay bigla na itong binaril ng suspek. Nakuha namang makipag-agawan ng baril ni Abigan subalit siya man ay nabaril sa paa ni Toreda Makoy.

Doon na kumilos si Pssg. Anos at binaril si Toreda. Mabilis namang nagtatakbo si Castillo pero nakorner siya ng mga residente sa lugar.

Leave A Reply

Your email address will not be published.