Abante Tonite Interactive

2 pulis-Davao nag-amok

120

“Walang tolerance” sa mga pulis na katulad ng dalawang nag-amok at nagpa putok pa ng baril sa NHA Bangkal, Davao City, ayon sa hepe ng pulisya.

Kinilala ang mga pulis na sina PO1 Brix Barrios Rotcha at PO1 John Macera na inireklamo ng mga residente ng nabanggit na lugar.

Sinasabing nagwala ang mga nabanggit na pulis sa sugalan ng isang lamay noong gabi ng Hulyo 18,

Dahil din sa nangyaring eskandalo ay posibleng maalis sa serbisyo sina Brix at John na nahaharap pa sa kaukulang kaso.

Nakakulong ngayon sa Talomo Police station ang dalawa at nakatakdang isailalim sa drug test, paraffin at ballistic.