Abante Tonite Interactive

2 pulis Marikina kinasuhan sa panggagahasa sa mga babaeng preso

883

Kinasuhan ng rape ang dalawang pulis –Marikina dahil sa umano’y panghahalay sa dalawang babaeng preso sa Marikina City.

Nadakip at kapwa dinisarmahan sina Pat. Arnold Geroy at Pat. Sonny Maruzzo, kapwa miyembro ng Marikina City PNP Special Operations Unit (SOU), sabi ni Maj. Gen. Debold Sinas, hepe ng National Capital Region Police Office.

Dinampot ang dalawa sa tanggapan ng SOU noong Linggo ng umaga at kinasuhan noong Lunes .

Ayon sa imbestigasyon na ginahasa umano ng mga suspek na sina Geroy at Maruzzo ang dalawang babaeng drug suspect matapos isailalim ang mga ito sa `custodial debriefing.’

Nadismaya si Sinas sa insidente, at tiniyak nito na dapat managot ang mga pulis kapag napatunayang nagkasala sa kaso. (Armida Rico)

Tonite – Wendys Inhouse Ad