Abante Tonite Interactive

2 pulis na nag escort sa mga POGO patungong Cagayan sinibak

1,291

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Police Security and Protection Group o PSPG ng Philippine National Police laban sa dalawa nilang tauhan na nag-escort ng mahigit 20 POGO workers patungong Cagayan nitong nakaraang linggo.

Ayon kay PSPG Police Escort Division Chief Police Col. Allan Mabinog, sinibak na nila sa puwesto sina Police Sr Master Sgt. Harold Corpuz at Police Sr Master Sgt. Clifford Ventura na natukoy na nag-escort sa convoy ng negosyanteng si Benedict Wong.

Batay aniya sa salaysay ng dalawang pulis, nanindigan ang mga ito na tauhan ni Wong ang 22 sinasabing POGO workers at relief goods naman ang karga ng mga dala nilang truck na ipamamahagi sa Sta. Ana, Cagayan.

Alam umano ni Sta. Ana Mayor Nelson Robinion na darating si Wong kasama ang mga tauhan at dala nilang relief goods noong Biyernes ding iyon ng nakalipas na linggo.

Gayunman, sinabi ni PNP Deputy Chief for Operations at Joint Task Force COVID Shield Commander Lt/Gen. Guillermo Eleazar na lumabag pa rin sa nakalatag na protocol ng Enhance Community Quarantine (ECQ) ang 2 Police escorts kahit pa relief goods ang kanilang dala.

Magugunitang nakarating ang mga POGO Worker kasama sina Wong at isa pang Taiwanese na tauhan nito sa Cagayan na nakalusot sa mga Quarantine Checkpoints mula Metro Manila dahil sa 2 pulis na hagad nito.(Edwin Balasa)

Tonite – Wendys Inhouse Ad