Abante Tonite Interactive

2 pulis-Pasig dinampot ng Cavite police

0 416

Inaresto ng Cavite police ang da-lawa nilang kabaro matapos pasukin ang bahay ng isang negosyante dahil umano sa pagkakautang ng huli sa kapatid ng pulis sa Bacoor City, Cavite.

Kasong paglabag sa Domicile at RA 10591 in Relation to Omnibus Election Code ang isinampang kaso laban kina PCpl Julius Vargas, 32-anyos, nakatalaga sa Southern Police District Mobile Force Battalion at PCpl Erwin Quiquino, 30, kapwa nakatalaga sa Pasig City Police Station dahil sa reklamo ni Howell Adrian Pantollana, 31, isang negosyante, ng Block 5 Lot 24B Sineguelas Street, Phase 1 West Camella Springville, Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Roy Vicent Reyes, ng Bacoor City Police station, alas-6:30, Lunes nang gabi nang arestuhin ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Bacoor CPS ang dalawang pulis Pasig matapos magsumbong si Pantollana nang pasukin ang kanyang bahay na wala umanong ipinakitang anumang dokumento.

Bukod sa walang naipakitang search warrant ang dalawang police Pasig ay wala rin silang hawak na anumang police coordination.
Nabatid na may pagkakautang umano si Pantollana sa kapatid ng isa sa pulis. (Gene Adsuara)