Abante Tonite Interactive

2 pulis sugatan sa mobile patrol vs bus sa CamSur

By
6

Dalawang miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang kapwa umano nasugatan matapos na mabangga ang kanilang sinasakyang Mobile Patrol car ng isang pampasaherong bus sa Camarines Sur, Naga City.

Base sa ulat kapwa umano isinugod sa hospital ang dalawang biktima matapos mag tamo ng mga injuries sa kanilang katawan na nakilalang sina PO2 Guillermo Agustin, Jr., at PO1 Redentor Catape Jr.

Kasalukuyan umanong nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga biktima sa Brgy. Tambo Pamplona, Camarines Sur ng mula sa kanilang likuran ng kanilang sinasakyan patrol car ay nabangga ito ng Silver Star Bus na minamaneho ng suspek na Elston Luna, 40-anyos.

Masuwerte naman hindi nag tamo ng grabeng pinsala ang mga biktimang pulis at agad naisugod sa hospital habang ang suspek na si Luna ay kasalukuyan nakadetine sa Pamplona Police Traffic Unit at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in physi­cal injury at damage to property.