Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 Purok lider niratrat ng 4 nakamotor

0 296

Patay ang isang purok lider habang sugatan ang isa pa nang ratratin ng apat na kalalakihang sakay sa dalawang motorsiklo sa Barangay Batasan Hills sa Quezon City, Miyerkules ng gabi.

Ang biktimang namatay noon din ay si Nicanor Perez, 52, purok leader (Kalayaan C), dahil sa tinamong mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sugatan naman ang kasamahan niyang si George Dagopioso, 56, purok leader (Kalayaan B), kapwa taga-Brgy. Batasan Hills, QC. Siya ay ginagamot ngayon sa Rosario Maclang Bautista General Hospital sanhi ng tinamong bala sa binti.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, alas-9:30 ng gabi (February 3) nang maganap ang pamamaril sa kanto ng Kalayaan B at Kaibigan Sts., Brgy. Batasan Hills.

SM food to go Banner Ad

Sa imbestigasyon ni PCPL Alexis Jurado, nag-uusap umano ang dalawang purok lider nang hintuan ng apat na di kilalang lalaki na magkakaangkas sa dalawang motorsiklo at agad pinagbabaril ang dalawa sabay takas.

Nasamsam ng SOCO team sa pamumuno ni PLt. Reynold Tabbada ang 24 basyo ng bala sa crime scene.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa insidente at pagkikilanlan ng mga suspek. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.