Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 PVL team nagti-training na

0 173

Salo sa training bubble ang Creamline at Choco Mucho simula ngayong Martes sa Saint Paul American School sa Clark Freeport bilang paghahanda sa Premier Volleyball League Open Conference sa June o July.

Binigyan go-signal ng Games and Amusement Board ang sister team ng permiso para sa ligtas na paghahanda sa nasa modified general community quarantine na Pampanga nitong Lunes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nag-ensayo na ang nasabing mga koponan kasama ang Perlas Spiker sa Ronac Mandaluyong noong Marso, pero naudlot dahil sa health restriction ng NCR plus sa pagkakabalik sa modified enhanced community quarantine sanhi sa paglobo ng pandemic. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.