Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 rebelde nasukol, 1 pa sumuko

0 123

Arestado ang dalawang sinasabing communist rebel habang isa naman ang sumuko sa awtoridad, sa magkahiwalay na operasyon ng Philippine Army sa Mindanao.

Kinilala ang mga sumuko na sina Ronnie ‘Lito’ Calibay at Jimmy ‘Jim’ Samonte.

Sina Calibay at Samonte ay mga miyembro umano ng Guerrilla Front 18, Sub-Regional Committee 2, Southern Mindanao Regional Committee. Inaresto sila sa Sitio Banhawan, Barangay Marayag, Lupon, Davao Oriental noong Huwebes, ayon sa PA.

SM food to go Banner Ad

Samantala, si Ongiles Landahay, na sinasabing kasapi ng Squad Primera, Platoon Andoy, Sub-Regional Guerilla Unit, Sub-Regional Committee 5, Southern Mindanao Regional Committee (SRGU, SRC5, SMRC), ay sumuko sa mga sundalo sa Talaingod, Davao Del Norte.

Nakuha mula umano sa kanila ang ilang armas na kinabibilangan ng M14, M16, at Bushmaster rifles.

Mayroon ding caliber 50-sniper rifle na may 25 rounds ng ammunition, at mga mahahalagang dokumento. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.