Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 rider galing flyover bumulusok sa MRT

0 232

Dalawa ang patay at natigil ang operasyon ng Metro Rail Transit Line (MRT-3) north bound lane matapos bumulusok mula sa flyover ang magkaangkas sa isang motorsiklo at lumanding sa Magallanes station, Linggo ng gabi sa Makati City.

Sa inilabas na pahayag ng MRT-3, alas-6:37 Linggo ng gabi nang maganap ang aksidente nang bumagsak sa riles ng MRT-3 ang dalawang rider mula sa flyover galing sa South super highway patungong EDSA.

Agad namang rumesponde ang security personnel at medical professionals ng MRT-3.

Ayon pa sa pahayag ng MRT, wala namang naganap na breakdown sa sistema ng MRT-3 at nagpatuloy ang biyahe ng pa-southbound bandang alas-7:26 ng gabi.

SM food to go Banner Ad

“No breakdowns on MRT-3 system have been reported. Train movement resumed (Southbound only) at around 7:26 p.m,” dagdag nito.

Hanggang sa sinusulat ito ay hindi pa rin nakikilalala ang dalawang nasawing biktima.

Nagtungo na rin ang PNP-SOCO sa lugar kung saan nangyari ang aksidente. (Kiko Cueto/Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.