Abante Tonite Interactive

2 rider na nakasagasa sa Bulakenya wanted

86

Tinutugis ngayon ng Bulacan Highway Patrol Group at Provincial Public Safety Company ng Bulacan PNP ang dalawang rider na tumakas makaraang masagasaan ang isang 19-anyos na babae sa Malolos City, Bulacan kamakailan.

Base sa report, pinaghahanap na ang dalawang rider na ang isa ay kumpirmado na ang pagkakakilanlan matapos masagasaan ang biktimang si Mary Grace Sampaga, 19, residente ng Malolos City.

Lumilitaw na tumatawid ang biktimang si Sampaga sa Mac-Arthur Highway Barangay Tikay, Malolos city nang biglang salpukin ng isang motorsiklo at nang matumba ay aksidente din itong nasagasaan ng isa pang motorsiklo.