Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 Rizal provincial staff timbog sa pekeng swab result

0 262

Tuluyang sinibak sa trabaho ang dalawang miyembro ng Rizal Provincial Security Division matapos mabuking ang iligal nilang transaksyon kaugnay sa pamemeke umano ng mga dokumento at resulta ng coronavirus tests.

Bago dinakip ang dalawa ay may nag-tip sa tanggapan ni Rizal Governor Nini Ynares, kaugnay sa iregularidad nina Arnel Perocho, ng Barangay Muzon, Taytay, Rizal; at si Edgardo Juanillo, ng Brgy. Pinugay, Baras.

Agad nakipagkoordina sa pulis ang Rizal Provincial Government at nitong Oktubre 1 ay nagkasa ng entrapment operation sa pangunguna ni Lt. Col Jose Joey Arandia.

SM food to go Banner Ad

Dinampot ang dalawa habang aktong tinatanggap ang pera sa napagkasunduang lugar sa Barangay Dela Paz, Antipolo City.

“Hindi biro ang Covid-19. Sinasamantala pa ng ibang mga indibindwal. Dapat talaga silang kasuhan para wala nang gumaya,” pahayag ni Gov. Ynares.

Bukod sa dalawa, nabatid na may 3 pang guwardiya sa gate ng Kapitolyo ang sangkot umano sa pamemeke ng Covid-19 Test Results.

Humihingi umano ng P1,700.00 na bayad pataas bawat test certificate na siya ngayong iniimbestigahan ng mga awtoridad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.