Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 sa 40 rebelde bulagta sa sagupaan

0 404

Patay ang dalawang miyembro ng New Peoples Army (NPA) habang ilang malalakas na kalibre ng baril at pampasabog ang narekober ng pulisya sa naganap na engkwentro ng dalawang panig Martes ng madaling araw sa Kalayaan, Laguna.

Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang NPA na nasawi habang 4 M16 rifle na may mga nakakabit na M203 grenade launcher, 1 Improvised Explosive Device (IED), at mga sangkap sa pagpapasabog ang narekober sa lugar ng insidente.

Sa inisyal na ulat na ipinadala ng Laguna Police Provincial Office (PPO) sa Camp Crame, ala-1:00 ng madaling araw ng maganap ang engkwentro sa Sitio Balangkahoy, Barangay San Antonio ng nabatid na bayan.

Nagsasagawa ng Operation Dirty Dozen ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) ng Region 4-A sa lugar para sa implimentasyon ng warrant of arrest sa mga wanted person nang makasagupa ng mga ito ang tinatayang 40 miyembro ng mga rebelde. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.