Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 sa drug watchlist bumulagta

0 245

Hindi inakala ng dalawang naglalamay na sila na ang sunod na paglalamayan matapos pagbabarilin sa Calamba City, Laguna Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Anthony Bataller at Ernesto Vista, kapwa residente ng Barangay Parian.

Ayon sa pulisya, ang dalawa ay parehong nasa drugs watch list ng PNP.

Sa report ng Calamba City police, naglalaro ang dalawa ng baraha sa lamay ng kanilang kapitbahay dakong alas-9:00 ng gabi nang dumating ang ilang kalalakihan at nakiupo sa lamayan di kalayuan sa mesa ng mga biktima.

Lumapit sa mga biktima ang isa sa mga ito, nagbunot ng baril at sunod-sunod na pinaputukan ang dalawa.

Mabilis ding nagsitakas ang mga hindi nakilalang suspek na naglaho sa kadiliman ng gabi.

Namatay naman noon din ang dalawa dahil sa mga tama sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa mga suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.