Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 sa Duterte admin nag-navy

0 302

PORMAL nang ginawang bagong miyembro ng Philippine Navy na may ranggong reservist officers sina Presidential Communications Office Chief Martin Andanar at Bernardo Rafaelito Alejandro ng Office of Civil Defense.

Mismong si Flag Officer In Command, Philippine Navy (FOIC, PN), Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo ang nanguna sa pagbibigay ng ranggo.

Binigyan ng ranggo na Commander si Jose Ruperto Martin Andanar na incumbent secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) habang Lieutenant Commander naman si Bernardo Rafaelito Alejandro na Director sa Department of National Defense Office of Civil Defense (OCD).

Nagpasalamat sina Andanar at Alejandro sa iginawad na ranggo sa kanila at nangakong magbibigay ng serbisyo kung kailangan.

“Joining the Philippine Navy as reserve force entails a deep understanding of your role in the accomplishment of the AFP’s over-all mission. We are indeed deeply grateful for choosing to work and nurture important Navy objectives with us” sinabi naman ni Bacordo. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.