Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 sa multi milyong investment scam timbog

0 76

Natunton ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang dalawang akusado sa swindling (estafa) sa loob mismo ng NBI detention cell kamakalawa sa Maynila.

Alas-4:00 ng hapon nang isilbi kina Jachob Rasuman y Amer, 37; at Princess Aliah Tomawis y Rasuman, nasa hustong gulang at kapwa taga-Camague Highway, Iligan City ang arrest warrant.

Ayon sa pulisya, inisyu ni Hon. Alberto Pantonial Quinto, Regional Trial Court, 10 Judicial Region Branch 1 sa Iligan City, Lanao Del Norte ang arrest warrant kaugnay sa reklamong swindling na may kaugnayan sa multi million investment scam.

Ang dalawa ay matagal nang nakadetine sa NBI matapos ireklamo hinggil sa P120M investment scam noong 2013.

Sa ulat ni P/Major Rommel Anicete at P/Capt. Alfredo Tan Jr., na isinumite kay P/Lt. Col. Noel Aliño, OIC ng Manila Police District – DIIDM, ika-4:00 ng hapon nitong Hunyo 18 nang isilbi ang arrest warrant sa dalawa habang nasa kustodiya ng NBI detention cell. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.