Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 sa Salisi Gang nabitag

0 119

DALAWANG hinihinalang miyembro ng Salisi Gang ang naaresto sa magkahiwalay na insidente sa Imus City, Cavite, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang naarestong sina Arlly Quirimit, 39, babae at Ranimar Vila, 35, kapwa ng Brgy Pasong Buaya, Imus City, Cavite.

Si Quirimit ay nahuli alas-3:00 kamakalawa ng hapon sa tindahan ng Ilovemilktea sa Brgy Tanzang Luma 5 dahil sa reklamo ni Xander Vash Paruan, 18, habang si Villa ay dinakip ala-1:30 ng hapon sa Daang hari Road, Pasong Buaya 2, parehong sa Imus City, Cavite dahil sa reklamo ni Daniel Cornejo Jr.

Sa ulat ni PSSgt Roy Vincent Reyes ng Imus City Police, nag-aayos ng ilang gamit sa tindahan si Paruan nang ilapag nito ang cellphone niyang nagkakahalagang P8,800 sa lamesa, na sinalisihan ni Quirimat.

Nabuking ito ng biktima at agad ipinagbigay alam sa guwardiya sa mall na ikinaaresto ni Quirimat.

Nagsasagawa naman ng site inspection sa Ayala Land si Cornejo nang napansin nito si Villa habang bitbit ang isang ground pipe at dali-dali nitong inilabas pero naharang din siya ng mga security guard.

Ang dalawa ay kapawa nakakulong sa Imus City Custodial Center at sinampahan ng kasong Theft thu salisi. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.