Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 sanggol sa Maynila sinalubong new year

0 59

Ipinanganak nang magkasunod ang dalawang sanggol pagpatak ng alas-12:00 ng hatinggabi sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila.

Nabatid kay Dr. Esmeraldo Ilem, hepe ng medical center, anim na buntis ang nag-labor nitong gabi ng Disyembre 31 kaya nakaantabay sila kung sino ang mauunang iluwal na sanggol.

SM food to go Banner Ad

Alas-dose ng hatinggabi nang unang ipanganak ang isa sa mga sanggol habang alas-12:01 ng madaling araw nang sumunod naman ang isa.

Sinahi ni Ilem, ang sanggol na ipinanganak ng alas-12:01 ng madaling araw ang itinuturing nilang New Year’s Baby dahil sa census nila na 12 to 12. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.