Abante Tonite Interactive

2 seksing volleybelle, pigil sa paghahalikan

753

‘Di maitatago ang malagkit at kakaibang pagti­tinginan ng dalawang maganda at sobrang seksing collegiate volleyball player.

Parehas na talagang katakam-takam ang wankata ng mga ito. ‘Di lang sila magaling pumalo ng bola sa loob ng playing court, mahusay rin silang sumalo at buhayin ang halos malapit na mamatay na labanan.

Minalas na maagang napatalsik ang koponan ng isa habang nakatuntong naman sa kampeonato ang isa pa.

Minsan na nagtapat ang mga team ng dalawang magandang collegiate volleyball player. Doon ay tila nagkakaalangan sila kung ano ang gagawin sa loob ng playing court.

Gayunman, sobra ang naging pagpapakita ng dalawang magandang collegiate volleyball player sa kanilang mga espesyal na atensiyon sa nakalipas na kampeonato kung saan lubhang kakaiba ang dapat sana lang na friendly hug.

Kulang na lamang ay bigyan ni super sexy player ng matamis na kiss si extra special someone habang nasa kasagsagan ng selebrasyon ng kampeonato.
Sino kaya sa kanila ang T at sino ang G?