Abante Tonite Interactive

2 sekyu ng Bulacan todas sa tandem

By
12

Kapwa napatay ang dalawang security guard makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Sta. Maria, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktimang sina Adonis Cabiling, 29 at Jobert Guan, 39, kapwa residente ng Barangay Pulong-Buhangin, Sta. Maria na nagtamo ng tama ng bala sa kanilang katawan.

Pasado alas-otso ng umaga nang maganap ang krimen habang ang dalawang biktima ay kumakain sa isang karinderya sa Barangay Pulong-Buhangin, Sta. Maria.

Bigla umanong huminto ang dalawang nakamotor at patraydor na pinagbabaril ang mga biktima at saka mabilis na tumakas nang masigurong patay na ang mga ito.