Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 senador pabor mangutang pa gobyerno

0 246

Sang-ayon ang dalawang senador na kailangang mangutang pa ang gobyerno para mapondohan ang pagtugon ng sa COVID-19 pandemic at pagbuhay sa ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, suportado niya ang panukala at hinikayat ang mga economic manager ng pamahalaan na ikonsidera ito habang mababa pa ang interest rates sa pagpapautang.

“What good is having a good credit rating if we don’t use it? Let’s use it wisely,” suhestiyon pa ni Recto.

Pabor din si Senate minority leader Franklin Drilon sa panukalang ito dahil kailangan aniya ng bansa ng karagdagang pondo para ibangon ang ekonomiya ng bansa kasabay ng pagtugon sa kasalukuyang health crisis.(Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.