Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 senglot na rider sumalpok sa tsekot

0 46

Patay ang dalawang binatang magkaangkas sa motorsiklo matapos nilang bumangga sa hulihang bahagi ng isang nakaparadang sasakyan sa gilid ng isang highway sa Sariaya, Quezon, Sabado ng gabi.

Kinilala ng Sariaya police ang mga biktima na sina Van Jerick Cayabat Magsino, 19-anyos, driver, at residente ng Brgy. Gibanga, Sariaya, at backrider na si Jerson Sarion Sayas, 24, residente ng Brgy. Calumpang, Tayabas City.

Batay sa report ng Sariaya Police, tinatahak ng dalawa ang Maharlika Highway sa Brgy. Gibanga nang sumal­pok sila sa isang lumang SUV na pansamantalang nakatambak sa gilid ng highway pasado alas-11:00 ng gabi.

SM food to go Banner Ad

Ayon pa sa imbestigasyon, nakainom umano ang dalawa at walang ilaw ang sinasakyang motorsiklo nang mangyari ang aksidente.

Isinugod pa sina Magsino at Sayas ng mga nagrespondeng tauhan ng Sariaya at Lucena MDRRMO sa Lucena United Doctors Hospital subalit pareho silang idinaklarang dead on arrival. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.