Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 senior, 14 pa dinampot sa Cavite buy-bust

0 178

Dalawang senior citizen ang kabilang sa 16 na mga hinihinalang tulak na binitbit ng Cavite Police sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite.

Kinilala ang dalawang senior citizen na sina Dalmacio Ramos, 60, driver ng Barangay Pasong Kawayan 2, General Trias City at Rafael Ayran alyas ‘Orange’, 60, ng Barangay 8, Cavite City.

Si Ramos ay naaresto dakong alas-7:30, Lunes ng gabi, sa Barangay Pasong Kawayan 2 habang si Ayran ay inaresto dakong alas-10:20 kamakalawa ng gabi sa Barangay 8.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office, isinagawa ang buy-bust sa pagitan ng alas-12:20, Lunes ng hatinggabi hanggang alas-2:00, Martes ng madaling-araw, sa tatlong lungsod at tatlong bayan sa probinsya.

Sa listahan, walong sinasabing tulak ang dinampot sa Gen. Trias City, apat naman sa Rosario, dalawa sa Naic at tig-isa sa Trece Martires City at Cavite City. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.