Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 senior, 29 pang tulak swak sa buy-bust

0 88

Nadagdagan ang bilang ng mga nakakulong na hinihinalang drug pusher ng 31, kabilang ang dalawang senior citizen at tatlong kababaihan na inaresto sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-10:00, kamakalawa ng umaga hanggang alas-3:30, kahapon ng madaling-araw sa anim na lungsod at apat na bayan.

SM food to go Banner Ad

Nanguna sa listahan na may pinakamaraming bilang na inaresto ang Gen. Trias City ay anim; sumunod ang Bacoor City, Dasmarinas City at Silang na tig­lilima; habang sa Trece Martires City ay apat; sa Cavite City ay dalawa, at tig-iisa sa Imus City, Amadeo, Indang at Carmona.

Ang mga naarestong tulak ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 at nakakulong na sa custodial center. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.