Abante Tonite Interactive

2 senior citizen nagbenta ng shabu sa pulis

140

Arestado ang dalawang senior citizen matapos mahuli sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Kapasigan, Pasig City, Martes ng gabi.

Sa nakalap na report sa tanggapan ng Eastern Police District, nakilala ang suspek na sina Rolando Calapi, 70-anyos at Ernesto Calapi, 66, kapwa residente ng Pasig City.

Ayon kay Police Col. Moises Villaceran Jr., hepe ng Pasig Police, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng station drug enforcement unit (SDEU) bandang alas-nuwebe Martes ng gabi sa kahabaan ng Dr. Sixto Antonio Avenue, Brgy. Kapasigan matapos magpanggap na buyer ang isang pulis na umaktong buyer at nakipagtransaskyon sa dalawang matanda.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 0.20 gramo na may P1,360 street value at P200 buy-bust money.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa Pasig City Police Station custodial facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002. (Vick Aquino)