Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 sinugal buhay sa P102M droga

0 176

Patay ang dalawang big time na drug distributor habang nasa 15 kilo ng pinaniniwalaang shabu na may halagang P102 milyon ang nasamsam sa isinagawang operasyon ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG) Martes ng gabi sa Taytay, Rizal.

Kinilala ang suspek na si alyas Alvin. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasama nito na kapwa nasawi sa engkwentro sa buy-bust operation sa Highway 2000 Ext., Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal.

Sa ulat ni PNP chief General Debold Sinas, base na rin sa impormasyong ibinigay ni PDEG Director Police Brig. Gen. Remus Medina, naganap ang engkwentro alas-11:55 ng gabi.

Nakuhang bumili ng 1 kilo ng shabu ng isang police poseur buyer sa mga suspek at nagkasundo na magkita sa nasabing lugar.

Subalit ng ihudyat na ang pagdakip sa mga suspek ay nanlaban ang mga ito dahilan ng agaran nilang kamatayan.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang 9mm kalibre ng baril na ginamit nila sa panlalaban habang sa loob naman ng kanilang Nissan Cefiro ay nakumpiska ang 14 na kilo pa ng hinihinalang shabu bukod pa ang 1 kilo ng shabu na nabili sa buy bust operation. (Edwin Balasa/Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.