Abante Tonite Interactive

2 stand-up comedian nagkabisyo, nakulong

638

Nakakalungkot ang mga salitang nakarating sa amin tungkol sa dalawang kilalang stand-up comedian na kasabayan ng sikat na becking comedian-TV host ngayon.

Sila na dapat ang susunod na makapapasok sa mundo ng telebisyon dahil mahusay silang magpatawa, pinapalakpakan ang kanilang performance sa mga comedy bars na pinagtatanghalan nila, pero ang lahat ay nauwi sa wala.

Kuwento ng aming source na hinayang na hinayang sa nangyari, “Si ____ (pangalan ng becking stand-up comedian) sinayang niya ang galing niya sa pagkanta at pagko-comedy, nauwi sa wala ang mga pangarap niya!

“Napadala siya sa kaway ng bisyo, nalulong siya, maraming nakakakita sa kanya ngayon na madusing na, pakalat-kalat sa kung saan-saan na para siyang namamalimos!

“E, ang galing-galing ng baklang ‘yun! Marami na siyang fans sa comedy bar! Nakakapanghina­yang ang nangyari sa kanya. Siya na dapat ang susunod, kasi nga, ang galing-galing niya!” umiiling na kuwento ng aming source.

Isa pang komedyanteng nakapanghihinayang nang dahil din sa pagbibisyo ay naging bahagi na ng isang sikat na game show. Isinalang na siya ng main host, nagagalingan kasi sa kanya, pero ano ang nangyari at nawala na naman siya?

Patuloy ng aming source, “Ibang klase rin naman kasi ang nangyari sa comedian na ‘yun! Ayun, sumabit siya sa kaso, idinemanda siya ng pinagkakautangan niya!

“Nu’ng lumabas ang resolution, e, pinayansahan siya ng isang stand-up comedian na may magandang puso, tinutulungan siya, pero siya rin naman ang mali kaya nakulong siya!

“Hindi siya uma-attend sa hearing, kinatatamaran niya, kaya ayun, na-bench warrant siya! Mas mataas pa sa bail niya ang kailangan niyang bayaran uli! Confiscated na kasi ‘yung una niyang piyansa!

“Hay, naku! Sobrang pasaway ang stand-up comedian na ito! Iba na ang tawag sa kanya ngayon ng mga nanghihinayang sa kanya, Etchas na!” nanghihinayang pa ring pagtatapos ng aming impormante.

***

Alden bet magpaalila

Sa tindi ng kanyang kasikatan ngayon ay nagagawa pa palang maihanap ng pagkakataon ni Alden Richards ang paglilinis ng ipinundar niyang bahay sa Nuvali.

Lalo na sa kanyang kuwarto, alam pala ng Pambansang Bae kung may pumasok du’n dahil tandang-tanda niya ang ayos ng bawat kagamitan niya. Pati ang carpet sa kanyang kuwarto ay alam niya ang pagkakalatag.

At nanawagan pa si Alden, “Kung meron po kayong gustong ipalinis sa bahay n’yo, tawagan n’yo lang po ako, magaling akong cleaner!”
Naaalala namin si Willie Revillame sa ganu’ng kuwento ni Alden.

Magkapareho silang malinis sa bahay, lalo na sa kanilang kuwarto, tulad ni Alden ay alam din ni Willie kung may gumalaw sa mga kagamitan nito.

Pati ang mga telepono ni Willie ay maayos na nakaha­nay sa isang mesa, alam nito kapag may nakialam, pareho sila ni Alden na napaka-ozy kahit sa kanilang mga sasakyan. Kahit hindi sila mag-spray ng car perfume ay wala kang maamoy na hindi kagandahan sa kanilang kotse.

Ganu’n ang mga taong madisiplina, kaya kahit sa oras ay wala kang masasabi sa kanila, mas nauuna pa nga sila sa pagre-report sa set sa iba kahit pa sila ang bida.

Siyempre’y excited na si Alden sa nalalapit na pagpapalabas ng pelikulang pinagtatambalan nila ni Kathryn Bernardo, sa July 31 na ang showing ng Hello, Love, Goodbye, na ngayon pa lang ay inilalaban na namin ng pustahan na siguradong mangwawasak ng record sa takilya.