Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 sugarol dinakma sa pustahang `bato’

0 51

Timbog sa mga pulis ang isang construction worker at tricycle driver sa ikinasang anti-criminality operation matapos na mahulihan ng 0.20 gramo ng shabu na pantaya sa cara y cruz sa Brgy. Malinao, Pasig City kamakalawa nang madaling-araw.

Sa ulat ng Eastern Police District, kinasuhan ng paglabag sa Presidential Decree No. 1602 dahil sa illegal gambling at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Edgardo Tuazon Jr. y Calleno, 23, construction worker, at Vic Co y Umali, 56, tricycle driver, parehong residente ng Pasig City.

Inaresto ang dalawang suspek bandang alas-kuwatro nang madaling-araw sa kahabaan ng G. Raymundo St., Brgy. Malinao, sa anti-criminality operation ng mga tauhan ng Police Sub-Station 3.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Naaktuhan umano ang dalawa na nagsusugal sa kalsada ng cara y cruz at shabu ang ginagawang pustahan. Nagtakbuhan umano ang iba pang miron nang dumating ang mga pulis.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang P300 bet money at dalawang plastic sachet na naglalaman ng 0.20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,360.

Nakakulong na ang dalawang suspek sa detention cell ng Pasig City Police. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.