Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 suspek nanlaban sa buy-bust, dedo

0 190

Patay ang dalawang suspek matapos na pumalag umano ang mga ito sa kinasang buy-bust operation sa Barangay Soledad, Santa Rosa, Nueva Ecija.

Kinilala ni Nueva Ecija Police Provincial Office drug enforcement unit head Lt. Col. Alexie Desamito ang napatay na suspek na si Manny de Guzman, habang hindi pa batid ang pangalan ng isa.

Nakuha sa dalawang hinihinilang tulak ang aabot sa P270,000 halaga ng shabu.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa report ni Desamito, nakipagputukan umano sa pulis ang mga suspek nang subukang arestuhin..

Nakuha din sa mga ito ang .38 caliber revolver at pera. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.