Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 suspek sa inambus na ex-editor pinosasan

0 53

Naaresto na ang dalawang lalaki na sinasabing bumaril at pumatay sa dating editor na si Gwenn Salamida sa loob ng kanyang pag-aaring Beauty Salon and Spa sa Quezon City noong Agosto 17.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Nilo Payag Anub, at naninirahan sa Pac­amara St., Brgy Commonwealth, QC, at Richard Go Alaba, residente ng Pilot Drive, Brgy. Commonwealth, QC.

Sa report ng QCPD PS-1, bandang alas-7:00, Setyembre 3 ng gabi naaresto ang mga salarin sa nasabing barangay.

Ayon kay P/Lt. Col. Tyrone DG Va­lenzona ng PS-1, agad silang nagsaga­wa ng follow-up operation matapos na rebyuhin ang CCTV footages sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Aniya, nakita sa CCTV footage na isa sa mga suspek ang sinundo ng Toyota Corolla na may plakang TSG 684 sa harap ng Floor Center Muñoz branch. Nakunan muli sa CCTV sa Don Fabian St., Brgy. Commonwealth ang pagdaan ng sasakyan.

Sa patuloy na follow-up operation ay namataan ang sasakyang bumabay­bay sa Sto. Niño St., Brgy. Common­wealth kaya hinarang at pinahinto ito ng mga pulis.

Nagtangka pa umanong tumakas ang mga suspek pero agad naharang ng mga pulis ang daanan at inaresto ang mga sakay ng sasakyan.

Noong Agosto 17, pinasok ng isa sa mga suspek ang nasabing salon sa Ba­rangay Apolonio Samson at binaril at napatay si Salamida habang sugatan ang kinakasama nitong si Oliver Pero­na. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.