Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 suspek timbuwang sa Korean resto holdap

0 61

Utas ang dalawang lalaking sinasabing holdaper nang makaengkwentro ng mga awtoridad sa Quezon City, kamakalawa.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen Danilo Macerin, inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng mga napatay na salarin na inilarawan na kapwa nasa 35 hanggang 40-anyos, 5’4” hanggang 5’5” ang taas, katamtaman ang laki ng katawan, kapwa nakasuot ng Jag inner t-shirt at itim na jacket, at parehong armado ng kalibre .38 baril.

Habang tinutugis pa ang dalawa nilang kasamahan.

Sa ulat, alas-11:50 ng gabi nang maganap ang engkwentro sa Doña Nicasia St., kanto ng Payatas Road, sa Brgy. Commonwealth. Nauna rito, alas-8:30 ng gabi nang holdapin ng mga ito ang 33-anyos na rider habang ipinaparada ang kanyang motorsiklo sa tapat ng Diliman Doctors Hospital.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nang matangay ang pakay, tumakas ang mga suspek gamit ang motorsiklo ng biktima. Kasunod nito, tinarget ng mga suspek ang Mister Samgyupsal sa Brgy. Batasan Hills na pagma-may-ari ni Mary Joyce Moreno.

Nagsasara na umano ng tindahan ang ginang nang biglang pumasok ang isa sa mga suspek at tinangay ang kanyang kita at mahahalagang gamit.

Sa engkuwentro nauwi ang paghabol ng pulisya sa mga suspek. Naisauli rin sa isa sa biktima ang shoulder bag nito.

Narekober ng mga awtoridad mula sa isa sa mga suspek ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng tatlong bala, isang sachet ng shabu, dalawang cellphone, isang bag na may lamang iba’t ibang uri ng ID, isang gold bracelet at P900 cash money.

Habang sa isa pang suspek, nakumpiska ang isa pang kalibre .38 revolver na may isang bala, at limang fired cartridge cases, isang sling bag na may isang sachet ng shabu, flashlight at tatlong bala, isang cellular phone, isang wallet na may lamang P281, bag, assorted ID at isang Yamaha Mio na walang plate number. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.