Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 swak sa P400K shabu

0 82

Tinatayang P408,000 halaga ng shabu ang nasamsam habang dalawang hinihinalang tulak ang inaresto sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad sa Bacoor City, Cavite, Martes ng madaling-araw.

Kinilala ang mga dinakip na suspek na sina Anthony Mabalot, 21, at Jerryme Mebrano, 24-anyos, kapwa residente ng Bacoor City, Cavite.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa report ni Pat. Jerome Asid ng Bacoor City Police Station, dakong ala-1:30, kahapon ng madaling-araw, nang magsagawa ng buy-bust ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor CPS sa Brgy. Molino 1, Bacoor na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Nakuha umano mula sa kanilang pag-iingat ang tinatayang 60 gramo ng hinihinalang shabu, at buy-bust money na nakalagay sa kulay asul na coin pouch. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.