Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 swak sa tupada, kagawad na promotor nakatakbo

0 96

Pinosasan ang dalawang kalalakihan sa raid ng mga pulis sa isang tupadahan sa Barangay Munting Tubig sa Balayan, Batangas, Linggo ng hapon.

Nakatakas naman ang ilang sabungero, kabilang ang isang barangay kagawad na isa umano sa mga promotor ng iligal na sabong.

Kinilala ang mga nadakip na sina Juan Alicante, 71-anyos, residente ng Munting Tubig, at Luis Velasco, 45, residente ng Barangay Caloocan, Balayan.

Kabilang naman sa nakatakas si barangay kagawad Victorino Butiong ng Munting Tubig at isa sa mga nag-organisa umano ng iligal na tupada, na sumabay sa ibang mga suspek na nagpulasan sa iba’t ibang direksyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Narekober umano mula sa tupadahan ang tatlong manok na panabong, dalawang tari at perang nagkakahalaga ng P1,480.

Nakakulong na ang dalawa sa Balayan police station samantalang hinahanap pa rin ang tumakas na kagawad.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa PD 449 o Cockfighting Law. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.