Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 switik na Koreano kalaboso

0 151

Isang babae at lalaking Koreano na wanted sa kanilang bansa dahil sa pandaraya ang dinampot ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa magkakahiwalay na lugar.

Si Ban Jaeyob, 56, ay hinuli ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) sa tinutuluyan nitong condominium sa Ortigas, Pasig City sa kooperasyon ng mga awtoridad sa Korea at ng Criminal Investigation and Detection Group Eastern Police District.

Ang nasabing dayuhan ay binabaan ng warrant of arrest sa Seoul Central District Court sa Korea noong nakaraang taon dahil sa pandaraya, iligal na pagkakakulong, pamemeke ng mga pribadong dokumento, at pangingikil. Samantalang si Bang Yoonjik, 55, ay hinuli sa Cainta, Rizal na pinaghahanap din sa Korea dahil sa pandaraya.

Related Posts

Ang dalawa ay pansamantalang ikinulong BI warden facility sa Bicutan, Taguig habang hinihintay ang kanilang deportasyon. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.